Na-in love ka na ba? Anong pakiramdam? Diba masaya? Sa termino ng modernong kabataan ngayon, ito yung feeling na kilig-much. Karaniwan, kapag in love ang isang tao, lagi siyang naka-smile. Yung smile niya, kakaiba. Hindi yung pangkaraniwan. Ito yung smile na may spark. Nakaka-relate ka na? Isa pa, kapag in love ang isang tao, lagi niyang gustong kasama o nakikita si Mr. Love o Ms. Love. Lagi niya ding gustong kausap. At kapag kausap na, di na namamalayan ang oras at di na din nawawalan ng kwento. Syempre, my theme song din yan. Yung tipong kapag nakikinig yung certain song na yun, naaalala siya. Well, kahit wala namang song, lagi pa rin siyang tumatakbo sa isip. Tama? Ilan lamang ito sa nararanasan ng isang taong umiibig.
Kapag ito talaga ang topic, lumalaki ang mata ng mga mambabasa. Pero, ibang love ang pag-uusapan natin ngayon. It is the love that is more than anything or anyone in this world.
Imagine this. You are in a youth camp. Of course, kapag nasa camp ka, you feel refreshed and recharged spiritually. Feel na feel mo na in love ka kay Lord. At dahil last hour of the last day na, talagang kung makapag-praise and worship ka para sa Kanya, parang wala nang bukas with matching tears all over the face pa. Talon kung talon. Iyak kung iyak. You are absolutely on fire because of the power of the Holy Spirit. Then you start making promises like these: "Lord, I will seek and love you first and always. Araw-araw na po akong magbabasa ng Bible at mananalangin. Mamaya palang po sa bahay sisimulan ko na po agad agad. Mag-aaral na po akong mabuti. Susunod na po ako sa aking mga magulang. Hindi po muna ako magkakaroon ng boyfriend/girlfriend. I will share Jesus to my family, classmates and friends. Ako mismo ang magsisimula ng pagbabago sa mundong ito. I would go to the ends of the earth for You!"
Ilan pa lamang ito sa mga pangmalakasang pangakong binitawan ng mga labi mo. Pagkatapos ng PAW, heto na, uwian na. Pero syempre, may selfie, groupfie at group hug muna with other campers and new friends. Nagpalitan din kayo ng cellphone numbers para pasahan ng Bible verse. Talaga namang hindi maalis ang iyong ngiti dahil sa pag-ibig mo sa Panginoon. But it's not the end of the story yet.
Hindi mo alam, may naka-abang pala agad sa'yo na susubukang patayin yang apoy na nagliliyab sa puso mo, walang iba kundi si Taning at ang kanyang mga kampon. May dala-dala silang tig-iisang timba. Ang laman ng mga timbang ito ay nag-uumapaw na malamig na tubig para ibuhos sa nagliliyab mong puso. Dahil hindi nila hahayaan na mas mapalapit ka sa Hari ng mga hari, gagawa sila ng sari-saring estratehiya para maibuhos sa'yo ang tubig na iyon kahit saang aspeto ng buhay mo - sa pamilya, pag-aaral, buhay pag-ibig, trabaho at kung ano-ano pa para mamatay ang apoy sa'yo at manlamig ang love mo sa Kanya.
Nasa iyo ang desisyon kung magpapadala ka sa lamig ng tubig at hahayaang mamatay ang apoy o panatiliing nagliliyab ito sa kabila ng mala-dagat na pagsubok na ibinubuhos sa iyo. Pero iyong tandaan, ang pag-ibig ng Diyos sa'yo ay hindi mawawala. Fresh ito bawat umaga (Lamentations 3:22-23).
Sa panahon natin ngayon, hindi na uso ang papatay-patay ang apoy. Dapat hindi lang pag may camp, conference, retreat, sunday service o youth fellowship in love at on fire sa Lord. It is supposed to be EVERYDAY. Wala nang sukuan ito, mga kapatid. It is time to use our authority in Christ and to stand firm for what we believe in.
Pero paano nga ba kung nawala ang apoy ng iyong pag-ibig sa Panginoon? Return to Him. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Go back to what He has done 2,000 years ago and you'll remember His unfailing and unending love for you. He is waiting for you to come back to Him.
And remember God is the Source of the LOVE FIRE. As Solomon says in Song of Songs 8:6, "Set me like a seal over your heart, like a seal on your arm. For love is as strong as death, passion as intense as Sheol. The flames of love are the flames of fire, a blaze that comes from the LORD."
He is the only One Who can REKINDLE the LOVE FIRE in your heart.
Prayer: Lord, re-flame the fire of my first love for You. You are my Forever. Revive me again. In Jesus' Name. Amen.
No comments:
Post a Comment