Wednesday, February 4, 2015

Dalawang Puso (Survey)

Sa tuwing manonood ako ng telebisyon ngayon, lagi ko na lang nakikita ang commercials ng mga teleseryeng tila pare-pareho na lang ng istorya: dalawang taong masayang-masaya sa isa't isa at talaga nga namang nag-iibigan, tapos may biglang isang babaeng sisingit sa eksena para guluhin ang kanilang pagsasama at kagagalitan ng madlang fans. Matutukso si bidang lalaki at lolokohin niya si bidang babae. Mag-aaway sila. Iiyak si bidang babae na parang wala nang bukas. Puro na lang love triangle.

Hindi lang ito nangyayari sa mga palabas. Sa totoo lang, ganitong ganito din ang nangyayari sa totoong buhay. Nakakalungkot dahil napakaraming luha na ang aking nakita dahil sa mga ganitong pangyayari. Ilang kwento na ring ganito ang aking narinig mula sa aking mga kaibigan at mga tao sa aking paligid. Nakakasawa na rin na maging sa mga balita ay puro na lang paghihiwalayan ang ibinabalita dahil sa tinatawag ng marami na "third-party." Lagi ko ngang tanong, "Bakit ganun? Bakit lagi na lang may umi-eksena? Kailangan ba talagang lagi na lang ganito ang takbo ng istorya?"

ANG TANONG: Posible ba talaga na pwedeng magkaroon ang isang tao ng dalawang puso? Kung OO, bakit hindi makuntento sa isa? 

Photo credits: princesscallyie.deviantart.com