Photo credits: Pilipinas TV |
Am I not
enough? Pangit ba ako?,” marubdob na sabi ni Cali (Liza Soberano) kay Gio
(Enrique Gil) sa pelikulang “My Ex & Whys” na ipinalabas noong February
2017.
Ikaw,
natanong mo na din ba ito? Kung nagawa mo na, ramdam kita, bes. Hindi ka
nag-iisa.
Ayon
sa isang study na ibinalita ng The Philippine Star noong taong 2005, five
(percent) lang sa mga Pinay ang itinuturing na maganda ang kanilang sarili.
Nakakalungkot pero yan ang totoo. Hindi lang mga Pinay ang nakaka-experience n’yan
maging ang ibang lahi. According sa research ng Professional Association for
Childcare and Early Years (PACEY) na inilabas noong taong 2016, “British kids
as young as three (3) think they are fat and ugly.”
Bakit nga ba
nakaka-isip ang nakararami ng ganitong bagay? Anong dahilan?
Dahil ba
konti lang ang likes, hearts at wows ng profile picture? Sa sobrang powerful ng
social media sa panahon natin ngayon, marami tayong makikitang iba’t ibang
larawang talagang pinaghandaan at ginalingan ang pose, porma, background at
kilay. Maaaring dahil dito nai-ikumpara ng karamihan ang kanilang sarili sa
ibang tao.
O kaya
naman, yung iba, iniwan ng kanilang minamahal at ipinagpalit sa iba o na-reject
na sa isang audition o job interview. Isa pang maaring dahilan ay baka na-bully
at nasabihan sila na “Pangit ka! Ha ha ha!” Ayan tuloy, nadala hanggang
paglaki.
Pero ang pinakamasakit sa lahat ay
kung ikaw mismo, ganyan ang tingin mo sa sarili mo dahil pinakikinggan mo ang
bulong ni taning (Satan) sa puso mo.
Sa totoo
lang, hindi ako naging exempted sa pagkakaroon ng feeling na pangit ako.
One time, pasakay ako ng isang sasakyan. Bukas na ang pinto at papasok na ako, pero biglang may nagsabi na, “Ma-una ang magaganda.” Tas pinapasok niya yung isang girl na maganda nga na nasa likod ko. Nagulat ako nun. Grabeng sama sa pakiramdam. Para na niya akong sinampal ng malakas, sabay sabing, “Pangit ka, Dara!”
P.S. Nung panahong ito po ay tinadtad ng pimples ang mukha ko.
One time, pasakay ako ng isang sasakyan. Bukas na ang pinto at papasok na ako, pero biglang may nagsabi na, “Ma-una ang magaganda.” Tas pinapasok niya yung isang girl na maganda nga na nasa likod ko. Nagulat ako nun. Grabeng sama sa pakiramdam. Para na niya akong sinampal ng malakas, sabay sabing, “Pangit ka, Dara!”
P.S. Nung panahong ito po ay tinadtad ng pimples ang mukha ko.
Maybe we all
had this worst day feeling ever. Baka hindi nga lang isang araw. Tama ba? But I
think tama na ang pakikinig sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao o ng kaaway
tungkol sa sa’yo. And start knowing what God has to say about you and me.
Sa Awit
139:13-14 ASND, pinuri ni Haring David si Yahweh. Sinabi niya, “Kilala n’yo
ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa tiyan ng aking
ina. Kahanga-hanga ang pagkagawa n’yo sa akin, kaya kayo ay aking pinupuri.
Alam kong ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.”
Kailangang
mong malaman sa kaibuturan ng iyong kalooban na nilikha ka ng Diyos. Siya ang
humugis sa’yo. May purpose Siya kung bakit kayumanggi o puti ang kulay ng balat
mo. If you think you are ugly and a mistake, i-delete mo na ‘yan sa isip mo.
Kailanman hindi Siya nagkamali sa pagkakalikha sa’yo. You are precious in His
sight.
Sa dinami-dami ng tao sa mundong ito, wala kang kaparehas. Unique ka. At
kahit ano pa ang tingin mo o ng ibang tao sa iyo, mataba ka man o payat,
makinis ang balat or hindi, mahal ka Niya at gusto Niyang malaman mo ‘yun sa
pamamagitan ni Kristo Hesus.
Through
Christ, God is able to give you a crown of beauty instead of ashes. Bukod dito,
kaya Niyang linisin lahat ng kadungisan mo inside and out. You just have to put
your confidence in Him and let Him mold you again into a better version of
yourself than before. Tiwala lang sa Diyos, kapatid. Sabi nga ni Ginger
Garrett, the author of The Lost Diaries of Queen Esther, “We honor God when we
present ourselves, by faith, as beautiful.”
Believe that you are and smile!