Wednesday, December 6, 2017

Panget Ba Ako?

Photo credits: Pilipinas TV
Am I not enough? Pangit ba ako?,” marubdob na sabi ni Cali (Liza Soberano) kay Gio (Enrique Gil) sa pelikulang “My Ex & Whys” na ipinalabas noong February 2017.

Ikaw, natanong mo na din ba ito? Kung nagawa mo na, ramdam kita, bes. Hindi ka nag-iisa.

Ayon sa isang study na ibinalita ng The Philippine Star noong taong 2005, five (percent) lang sa mga Pinay ang itinuturing na maganda ang kanilang sarili. Nakakalungkot pero yan ang totoo. Hindi lang mga Pinay ang nakaka-experience n’yan maging ang ibang lahi. According sa research ng Professional Association for Childcare and Early Years (PACEY) na inilabas noong taong 2016, “British kids as young as three (3) think they are fat and ugly.”

Bakit nga ba nakaka-isip ang nakararami ng ganitong bagay? Anong dahilan?

Dahil ba konti lang ang likes, hearts at wows ng profile picture? Sa sobrang powerful ng social media sa panahon natin ngayon, marami tayong makikitang iba’t ibang larawang talagang pinaghandaan at ginalingan ang pose, porma, background at kilay. Maaaring dahil dito nai-ikumpara ng karamihan ang kanilang sarili sa ibang tao.

O kaya naman, yung iba, iniwan ng kanilang minamahal at ipinagpalit sa iba o na-reject na sa isang audition o job interview. Isa pang maaring dahilan ay baka na-bully at nasabihan sila na “Pangit ka! Ha ha ha!” Ayan tuloy, nadala hanggang paglaki.

Pero ang pinakamasakit sa lahat ay kung ikaw mismo, ganyan ang tingin mo sa sarili mo dahil pinakikinggan mo ang bulong ni taning (Satan) sa puso mo.

Sa totoo lang, hindi ako naging exempted sa pagkakaroon ng feeling na pangit ako.

One time, pasakay ako ng isang sasakyan. Bukas na ang pinto at papasok na ako, pero biglang may nagsabi na, “Ma-una ang magaganda.”  Tas pinapasok niya yung isang girl na maganda nga na nasa likod ko. Nagulat ako nun. Grabeng sama sa pakiramdam. Para na niya akong sinampal ng malakas, sabay sabing, “Pangit ka, Dara!”


P.S. Nung panahong ito po ay tinadtad ng pimples ang mukha ko. 

Maybe we all had this worst day feeling ever. Baka hindi nga lang isang araw. Tama ba? But I think tama na ang pakikinig sa mga negatibong sinasabi ng ibang tao o ng kaaway tungkol sa sa’yo. And start knowing what God has to say about you and me.

Sa Awit 139:13-14 ASND, pinuri ni Haring David si Yahweh. Sinabi niya, “Kilala n’yo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa tiyan ng aking ina. Kahanga-hanga ang pagkagawa n’yo sa akin, kaya kayo ay aking pinupuri. Alam kong ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.”

Kailangang mong malaman sa kaibuturan ng iyong kalooban na nilikha ka ng Diyos. Siya ang humugis sa’yo. May purpose Siya kung bakit kayumanggi o puti ang kulay ng balat mo. If you think you are ugly and a mistake, i-delete mo na ‘yan sa isip mo. Kailanman hindi Siya nagkamali sa pagkakalikha sa’yo. You are precious in His sight. 

Sa dinami-dami ng tao sa mundong ito, wala kang kaparehas. Unique ka. At kahit ano pa ang tingin mo o ng ibang tao sa iyo, mataba ka man o payat, makinis ang balat or hindi, mahal ka Niya at gusto Niyang malaman mo ‘yun sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Through Christ, God is able to give you a crown of beauty instead of ashes. Bukod dito, kaya Niyang linisin lahat ng kadungisan mo inside and out. You just have to put your confidence in Him and let Him mold you again into a better version of yourself than before. Tiwala lang sa Diyos, kapatid. Sabi nga ni Ginger Garrett, the author of The Lost Diaries of Queen Esther, “We honor God when we present ourselves, by faith, as beautiful.” 

Believe that you are and smile!