Naranasan
mo na bang sumali sa isang 100 meter dash?
Kung hindi pa, nakapanood ka na ba ng paligsahang ito? Anong mapapansin mo?
Hindi ba’t bawat manlalaro ay nagmamadaling tumakbo para makarating sa finish line? Madalas, ganito din ang mga
kabataan ngayon pagdating sa buhay pag-ibig, parang laging nasa
karera—nagmamadali.
Mayroon
akong nakakwentuhang isang nanay. Sabi niya, 17 years old daw siya nung sila’y nagsama ng kanyang boyfriend. Apat ang kanilang naging
anak. Ngunit ngayon, sila’y hiwalay na dahil sa biglaan pag-iwan sa kanila nung
lalaki. Simula noon, hindi na ito nagpakita sa kanilang mag-iina. Kitang kita
ko ang galit sa mga mata ng nanay na ito sa kanyang dating ka-partner. Sobra
siyang nasaktan maging ang kanilang mga anak. Nakakalungkot ang ganung
pangyayari. Siguro napa-isip din siya na sana hindi nalang sila nagmadali. Napakaraming
ganitong cases na ang aking nakinig
dahil sa pagmamadali ng magkasintahan.
Ang
iba naman ay kung ano-ano pang ginagawa para lang magka-BF/GF. Minsan, si babae
pa ang gumagawa ng first move. Si
lalaki naman, dahil estudyante pa lang, humihingi pa ng panggastos sa magulang
para lang makipag-date. Gusto nyo ba
talaga ay agad-agad? Hindi ba pwedeng maghintay muna sa tamang panahon at tao
na nilaan talaga ng Diyos?
Ito
yung 100 meter dash equation: Rush in
love = Severe Heartache. Sobrang dami ng puso na ang nagkasugat-sugat dahil
sa pag-aapura ng pagbibigay ng emosyon sa isang tao na hindi muna sinuri at
pinanalanging mabuti. Yung iba, alam na hindi pa naman talaga panahon, sugod pa
din sa maling relasyon at emosyon. Maraming makukulit kaya tuloy nasasaktan at
napapahamak.
Isa
sa mga paborito kong love team sa
Bibliya ay ang tambalang Jacob and Rachel (Genesis 29:1-30). Jacob waited 14
years for Rachel. Napakatagal nun. Kung hindi siguro wagas ang pag-ibig ni
Jacob para kay Rachel, hindi siya maghihintay ng ganun. Love is patient (1 Cor.
13:4). Hindi ito nag-aapura.
Sa
totoo lang, alam na naman ng marami kung anong magiging resulta ng
padalus-dalos sa pag-ibig, sakit sa puso (emotionally
speaking). Apektado din nito ang ating hinaharap. The Bible says, "Don't act thoughtlessly, but understand what the Lord wants you to do" (Ephesians
5:17). Huwag maging mang-mang. Kung alam na mali, huwag ng gawin. Kapag sinabi
ng Diyos at ng mga magulang o spiritual
leaders na huwag muna, huwag muna.
May
tamang panahon din para sa love life. Ang challenge
ay matutong maghintay, unang una, sa Panginoon. Grow in love with the Lord
first. Huwag sayangin ang buhay sa mga bagay na alam nating tama pero mali
naman talaga. But make the most of your time to fully serve God in love.
Tandaan,
ang buhay pag-ibig ay hindi katulad ng 100
meter dash na kailangang dali-dali. Manalanging mabuti at pagbulay-bulayan
ang Salita ng Diyos upang malaman ang Kanyang kalooban. Hindi madaling maghintay.
Nevertheless, let your heart be still and just be excited to His perfect plan. Di
na dapat mag-alala dahil lagi namang may tamang panahon ang Diyos sa lahat ng
bagay. Trust Him. At kapag alam na Niya na handang handa ka na, He’ll give you
the “GO” signal.
No comments:
Post a Comment