Saturday, October 18, 2014

My Lovestruck Encounter 2 (For a Greater Purpose)

Dahil sobrang na-blessed talaga ang buhay ko sa Lovestruck ministry, palagi na akong nakatambay sa Lovestruck facebook page. Ang dami kong na-discover na articles about sa love at kay God, at pati na rin mga nakakakilig na istorya ng buhay pag-ibig ng iba't ibang tao. Ibang-iba talaga kapag si LORD ang nagsulat ng love story mo at hindi lang dahil sa bugso ng damdamin.

Taong 2012 nang mag-post si Ptr. Ronald na naghahanap siya ng mga kabataang may puso at kasanayan sa pagsusulat para sa kapurihan ng Diyos upang turuan at sanayin pa sa larangang ito. Yun yung time nahihikayat muli akong ipagpatuloy ang aking pagsusulat. Kaya lang, hindi ako naka-abot sa deadline para ipasa ang aking mga sulatin. PERO (all caps pa!), nag-post ulit si Pastor para mag-invite pa ang mga hahabol na magpasa. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na yun dahil alam ko na talagang tinatawag ako ng LORD para magsulat. At salamat sa Panginoon, isa ako sa mga napili para mabigyan ng pagkakataon na maturuan mismo ni Ptr. Ronald! Napasigaw pa nga ako nung nalaman ko yun. It was superb!

Young Ezra Society (Y.E.S), ito ang pangalan ng official writing mentoring program ni Ptr. Ronald. Sobrang dami ko talagang natutunan mula kay Pastor. Masaya din ako dahil nakilala ko ang magagaling na Y.E.S. mentees and future book authors na sila Ate Phoebe Tabay, Ate Rigel Fortaleza at Eunice Punzalan (my WRIST's/ writing sisters), at syempre si Kuya Mark Libunao, ang co-Quezonian ko. Na-meet namin sina Kuya Rei Crizaldo, the author of Boring Ba Ang Bible Mo at Kuya Mighty Rasing, the author of May Powers Ka To Be Super Epic. They are friends of Ptr. Ronald and they were our guest speakers in our mentoring sessions.

The great thing was we were not just taught to write skillfully, but also to become closer to the Source of every talent and gift--Almighty God. And the best part was we were able to share our God-inspired writings not only with the Y.E.S. mentees ourselves, but also with the thousands of Lovestruck facebook members and of course, with our online and offline friends too. At dahil din dito, nagkaroon ako ng heart para magkaroon muli ng newsletter ang youth ministry namin sa aming church, ang Christian Light Bearers (C.L.B.) Newletter. Kakaibang saya kapag may mga na-bless sa pamamagitan ng iyong sulatin. And all the glory belongs to God.

Bukod dito, nagkaroon din ako ng desire para marating ng Lovestruck ministry ang aming church at Quezon province. At sakto dahil nabanggit din ito sa amin ni Pastor Ronald nung year 2012. We've been praying for this to happen. And this year is God's perfect time. Magkakaroon na ng Lovestruck Convergence sa Quezon! Totoo talagang ang lahat ng bagay ay may kadahilanan. Minsan ito ay nagsisimula sa mga pangyayaring hindi natin inaasaahang may maganda pa lang maidudulot.

Nagsimula sa unforgettable heartaches, hanggang sa nadiskubre ang Lovestruck books at Lovestruck facebook page at mas madami pang natutunan sa larangan ng pagsusulat thru Y.E.S., papuntang Quezon Province upang mas marami pang ma-Lovestruck kay LORD. All was for a greater purpose indeed! All for Him.

"And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose." Romans 8:28 NIV





My LOVESTRUCK Encounter (Love niya ba talaga ako o Joke lang?)

Taong 2010 nang aking na-encounter sa PCBS-Lucena ang first-ever lovestruck book, ang Love Mo Ba Siya, Sure Ka Ba Edition written by Ptr. Ronald Molmisa. Simula't sapul mahilig na talaga akong magbasa ng mga libro at tumambay sa PCBS, National Bookstore at Booksale.  I was a 3rd year BSBA student back then. Hinding hindi ko makalilimutan ang taong ito dahil dito ako nagkaroon ng isang malaking selebrasyon ng aking buhay, ang aking 18th birthday. Sa taong ito rin ako nagkaroon ng dalawang heartache. Natatawa na nga lang ako ngayon habang isinusulat ko ang sulating ito. At ang mga heartache na ito ang nag-lead sa akin para mabasa ko ang Lovestruck book. Parehong masakit ang naramdaman ng aking puso sa dalawang pangyayaring yun.

Una, nalaman kong ang aking nagustuhang guy ay ikakasal na pala sa parehong buwan ng aking kaarawan. Ouch! Kasama pa naman siya sa 18 roses ko. At heto pa ang big revelation, few months before my debut, humingi pala siya ng sign kay LORD na kapag kasama siya sa 18 roses ng debut ko, hihintayin niya ako hanggang sa maging handa na akong pumasok sa relasyon. Oh well, huli na ang lahat ng nalaman niya ito. One year nga pala ang tanda nya sa akin. Hindi ko na pahahabain pa. (As of now, alam ko na masaya na siya sa buhay may pamilya niya at syempre masaya din ako para sa kanila.)

Heto na ang second heartache. Dahil naging vulnerable yung heart ko imbis na magtanda sa nakaraan, muli akong nagkagusto sa isang guy. Classmate ko siya. Halos lahat na ata ng gusto ko sa isang lalaki nasa kanya na. May isa nga lang na kulang at eto ang dahilan kung bakit ko nabreak ang 6:14 Rule. Sobrang na-attach yung emotions ko sa kanya kahit alam ko na hindi siya Christian. Unfortunately, may gusto din sa kanya yung friend ko. Dami din kasing may gusto kay guy eh. Nung una ako talaga yung gusto nya kaya nga lang, pinili nya yung friend ko. Ouch ulet! Basta madami pang nangyari. (Currently, sila pa din nung friend ko. Four years na sila. And of course masaya din ako para sa kanila.)

Ang tanong, ano nga bang ginawa ko pagkatapos ng lahat ng ito? Tumakbo ako. Tumakbo ako hindi para maghabol ng pag-ibig. No way! Tumakbo ako sa LORD at pumunta sa PCBS para magbasa ng libro. I know na ang Holy Spirit ang nag-lead sa akin sa mga panahong iyon. Saktong sakto dahil kapa-publish noon ng first Lovestruck book. Ang galing talaga ng LORD. It was very timely. Yung feeling na habang binabasa ko yung book, sakto talaga sa mga pinagdaanan ko. Nakita ko ang aking mga pagkakamali at nalaman ko din ang aking mga dapat gawin. Natututo din akong magpatawad. Muling nabuhay ang first love ko sa Kanya. Siya na lagi na lang nandyan para ako ay itayo sa aking mga pagkakamali. I really thanked God because He showed His love for me, this LOVE that I can never find in this world and this LOVE that rescued me and protected me from more heartaches. After that year, I truly committed my heart to Him that I will put HIM first and will just wait until He gives me His best for me. Bumili din ako ng bumili ng Lovestruck books para ibigay sa aking friends and classmates.

Hindi pa dito nagtatapos ang Lovestruck fever. I searched sa internet ang Lovestruck ministry at nakita ko ang LOVESTRUCK Facebook group. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at talagang sumali ako. Sobrang na-blessed ako sa mga post ni Pas Ronald at ng iba pang members. (To be continued..)