Dahil sobrang na-blessed talaga ang buhay ko sa Lovestruck ministry, palagi na akong nakatambay sa Lovestruck facebook page. Ang dami kong na-discover na articles about sa love at kay God, at pati na rin mga nakakakilig na istorya ng buhay pag-ibig ng iba't ibang tao. Ibang-iba talaga kapag si LORD ang nagsulat ng love story mo at hindi lang dahil sa bugso ng damdamin.
Taong 2012 nang mag-post si Ptr. Ronald na naghahanap siya ng mga kabataang may puso at kasanayan sa pagsusulat para sa kapurihan ng Diyos upang turuan at sanayin pa sa larangang ito. Yun yung time nahihikayat muli akong ipagpatuloy ang aking pagsusulat. Kaya lang, hindi ako naka-abot sa deadline para ipasa ang aking mga sulatin. PERO (all caps pa!), nag-post ulit si Pastor para mag-invite pa ang mga hahabol na magpasa. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na yun dahil alam ko na talagang tinatawag ako ng LORD para magsulat. At salamat sa Panginoon, isa ako sa mga napili para mabigyan ng pagkakataon na maturuan mismo ni Ptr. Ronald! Napasigaw pa nga ako nung nalaman ko yun. It was superb!
Young Ezra Society (Y.E.S), ito ang pangalan ng official writing mentoring program ni Ptr. Ronald. Sobrang dami ko talagang natutunan mula kay Pastor. Masaya din ako dahil nakilala ko ang magagaling na Y.E.S. mentees and future book authors na sila Ate Phoebe Tabay, Ate Rigel Fortaleza at Eunice Punzalan (my WRIST's/ writing sisters), at syempre si Kuya Mark Libunao, ang co-Quezonian ko. Na-meet namin sina Kuya Rei Crizaldo, the author of Boring Ba Ang Bible Mo at Kuya Mighty Rasing, the author of May Powers Ka To Be Super Epic. They are friends of Ptr. Ronald and they were our guest speakers in our mentoring sessions.
The great thing was we were not just taught to write skillfully, but also to become closer to the Source of every talent and gift--Almighty God. And the best part was we were able to share our God-inspired writings not only with the Y.E.S. mentees ourselves, but also with the thousands of Lovestruck facebook members and of course, with our online and offline friends too. At dahil din dito, nagkaroon ako ng heart para magkaroon muli ng newsletter ang youth ministry namin sa aming church, ang Christian Light Bearers (C.L.B.) Newletter. Kakaibang saya kapag may mga na-bless sa pamamagitan ng iyong sulatin. And all the glory belongs to God.
Bukod dito, nagkaroon din ako ng desire para marating ng Lovestruck ministry ang aming church at Quezon province. At sakto dahil nabanggit din ito sa amin ni Pastor Ronald nung year 2012. We've been praying for this to happen. And this year is God's perfect time. Magkakaroon na ng Lovestruck Convergence sa Quezon! Totoo talagang ang lahat ng bagay ay may kadahilanan. Minsan ito ay nagsisimula sa mga pangyayaring hindi natin inaasaahang may maganda pa lang maidudulot.
Nagsimula sa unforgettable heartaches, hanggang sa nadiskubre ang Lovestruck books at Lovestruck facebook page at mas madami pang natutunan sa larangan ng pagsusulat thru Y.E.S., papuntang Quezon Province upang mas marami pang ma-Lovestruck kay LORD. All was for a greater purpose indeed! All for Him.
"And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose." Romans 8:28 NIV
No comments:
Post a Comment