Sunday, August 16, 2015

TRUE LIGHT WAITS

May dalawang ilaw na masayang nag-uuli habang nakasakay sa bisikleta, sina Ilaw-sampu at Ilaw-apat. Mukhang masayang masaya sila. Kitang kita ang kanilang pagning-ning habang magkasama. At kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata ay may spark na makikita. Ngunit, nang sila ay tatawid sa kalsada, may bus na sumalubong sa kanila. Buti na lamang nakita ito ni Ilaw-apat kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Ilaw-sampu. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, patuloy pa din silang nagbisikleta papunta sa isang lugar na lagi nilang pinupuntahan. Nang sila ay liliko papunta doon, may sasakyan na namang babangga sa kanila. At nakita naman ito ni Ilaw-sampu, kaya hinawakan niya ang kamay ni Ilaw-apat at agad-agad na hinigit papalayo sa sasakyan na sasalubong sa kanila. Napakabilis ng pangyayaring iyon, ngunit para kay Ilaw-apat ay tila "nagslow-mo" ang paligid at biglang "nagfast-forward." Sa kabila ng nangyari, may galak pa din sa puso ni Ilaw-apat dahil kasama niya naman si Ilaw-sampu. Hindi binitawan ni Ilaw-sampu ang kamay ni Ilaw-apat, kung baga ay holding hands while biking ang peg nila. =D Lalong nagning-ning ang dalawa na parang sasabog sa kasiyahang nadarama.

Aking panalangin sa pagsasama nila habang nagbibisikleta na kahit may mga makasalubong silang malulupit na pagsubok ay patuloy silang magning-ning upang pati paligid nila ay lumiwanag din. =D

Ngunit sabi sa kanila ni ILAW MANLILIKHA, “Unahin niyo muna Ako. Madami pa kayong dapat  matutunan at gawin. Patuloy kayong magningning kahit ‘di kayo magkasama.”

Kaya naman, agad na sumunod sina Ilaw-sampu at Ilaw-apat sa sinabi ni ILAW MANLILIKHA. Pumunta sila sa lugar kung saan sila matututo ng husto sa pinagagawa sa kanila. Kailangan muna nilang gawin ang mga dapat gawin. Kailangan muna nilang maghintay sa tamang panahon upang sila'y magkasama muli. Hindi nila alam ang mangyayari sa hinaharap, ngunit panatag sila dahil alam nila na sila'y ginagabayan ng pinaka-dakilang ILAW sa lahat. 

No comments:

Post a Comment